Pinoy cyclists giba sa duathlon open

NAGPAMALAS ng bagsik si Japanese Takashi Nakata sa solid biking sa pagsabog ng ITU Subic Bay Duathlon Open sa Subic Bay Event and Convention Center sa Subic Bay Freeport.

Tinalo ni Nakata ang local rivals na sina Robeno Javier at Neil Catiil sa bike race.

Ang 31-anyos na Japanese ay nagkaproblema pa sa umpisa bago rumatsada sa final kilometer para  masungkit ang titulo.

Ang fourth-place finisher sa 2004 Asian Duathlon Championships sa Clark ay nangibabaw at kinapos ang mga Pinoy.

Pumoste ito ng isang oras, 58 minuto at 24 segundo na dumurog kay Robeno ng four seconds sa 10-K run, 40-K bike at 5-K run event na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines.

“Akala namin ay kakayanin namin sa bike dahil may mga ahunan sa ruta, pero malakas din pala siya at kami ang naubos. Kaya kahit sinikap ko na habulin siya ay talagang ubos na ako,” wika ni Robeno na pumoste ng oras na 1:58:28. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply