Pinoy nagkaisa kay Pacquiao

Naniniwala ang Malacanang na naging susi at simbolo ng pagkakaisa ng sambayanang Filipino ang kadakilaan ni Manny Pacquiao makaraang itala ang ikawalong titulo sa magkakaibang dibisyon sa professional boxing.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na isang malaking karangalan sa mga Filipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao.

Si Pacman din aniya ang dahilan ng pagkakaisa ng sambayanang Filipino dahil nakatutok ang lahat sa laban nito kay Margarito.

Sa ulat, sinabi naman ni Pacman na “I felt pity to my opponent, looking in his eyes and his bloody face.”

Sa harap ng record-breaking na 75,000 attendance sa Dallas Cowboys’ Stadium sa Arlington, Texas, nagtala ng lopsided victory ang Filipino ring icon.

Bagama’t malaki ang naging lamang ni Margarito sa kaniyang height na 5’11” at 17 pounds na mas mabigat kay Pacquiao, walang nagawa ang Mexican fighter kundi tumiklop sa tuwing tinatamaan ng mga powerful punches ni Manny.

“I did my best to win the fight. I can’t believe it. He’s very tough and strong. I never expected that,” ayon pa kay Pacquiao. (Kris Jose)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply