Filipino entertainers, ipinagbawal na sa Cyprus

SINUSPINDE na ng Republic of Cyprus ang pag-iisyu nito ng residence at entry permits sa mga Filipino entertainer.

Ito ang ipinabatid kamakailan sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ng Embahada ng Pilipinas sa sa Athens, Greece.

Ayon sa report ng embahada sa POEA, sinuspinde ng gobyerno ng Cyprus ang pag-iisyu ng mga permit matapos makatanggap ito ng mga impormasyon na diumano’y inaabuso ang mga Filipina entertainer na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Ang suspensyon ay isinagawa matapos ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office sa Cyprus at ang Ministry of Labor and Social Insurance sa nasabing Eastern Mediterranean country.

Ayon sa mga naunang ulat sa POEA ng Embahada ng Pilipinas sa Athens, may mga Filipino entertainer na singers at dancers sa Cyprus na sinasaktan at pinipilit na magbigay ng sex services sa mga kostomer nila sa night clubs.

Noon pang 1988 sinuspinde ng POEA ang pagpapadala ng entertainers sa Cyprus sa pamamagitan ng isang memorandum circular.

Subalit ayon kay POEA administrator Jennifer Jardin-Manalili, kahit na may kautusang nagbabawal sa kanila, di rin mapigilan ang mga Pilipinang naghahangad ng mas malaking kita na magtungo sa Cyprus.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nabibiktima sila ng illegal recruiters na ang karamihan ay may kaugnayan sa mga escort service syndicates sa Cyprus.

Ayon pinakahuling datos ng Commission on Filipinos Overseas, may kabuuang 20,284 Pilipino ang nasa Cyprus; 2,484 ang permanente na roon; 15,815 ang temporary, at 1,985 ang irregular. Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply