Pinoy Pug makikipagsapakan sa semifinal bout

ISANG panalo na lang at tutuntong na si Boxer Rey Saludar sa final stage para sa gintong medalya ito’y matapos talunin si Puran Rai ng Nepal via “Referee Stop Contest” (RSC) sa round one ng Men’s 52KG na ginanap sa Foshan gymnasium.

Nakasisiguro nang may bronze medal sa boxing event ang Pilipinas habang nakikipaglaban si Saludar kay Katsuaki Susa ng Japan sa semifinals ng nagaganap na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Nagwagi naman si Susa kay Che Yu Lin ng Chinese Taipei via RSC rin sa round 2.

Ang panalo ni Saludar kay Susa ay makapagbibigay ito ng siguradong silver para sa Pilipinas.

Samantala, nakapasok din sa quarterfinals sila Victorio Saludar at Wilfredo Lopez matapos nilang paggugulpihin sa magkahiwalay na laban sina Zarip Jumayev, 12-3 ng Turkmenistan at Arshad Hussain, 12-5 ng Pakistan ayon sa pagkakasunod.

Makikipagsuntukan si V. Saludar kay Singh Amandeep ng India sa Men’s 46-49kg habang si Lopez ay ka-square sa ring si Otgonjargal Jargal ng Mongolia para sa men’s 69kg.

Ang panalo nina V. Saludar at Lopez ay hagdan upang makaakyat sa semis at magbibigay sa kanila ng siguradong bronze medal. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply