Pinoy sa South Korea di pa kailangang ilikas — DFA

HINDI pa kinakailangang ilikas ang mga Pinoy sa South Korea makaraang bombahin ng North Korea ang Katimugang bahagi ng naturang bansa.

Ito ang ipinahayag ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Ed Malaya.

Ayon kay Malaya sa isang programa sa telebisyon, naabisuhan na ang mga Pinoy community sa South Korea na mahigpit na i-monitor at maging handa sa anumang contingency .

Batay naman sa panayam ni Malaya sa DZMM, pinairal na ang alert level 1 sa Philippine Embassy sa Beijing na siyang pinakamalapit na embahada ng bansa sa Korea, habang patuloy ang coordination meeting sa DFA.

Kumbinsido si Malaya na hindi magkakaroon ng grabeng spillover ang bombahan sa Korea lalo’t hindi ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng provocative action sa naturang lugar.

Gayunman, nagpahayag pa rin si Malaya ng pakikiisa ng pamahalaan sa panawagan ng United Nations (UN) na itigil na ang mga ganitong hakbang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply