Pinoy Tasty di tataas ang presyo sa kapaskuhan

HINDI tataas ang presyo ng mga Pinoy Tasty bread ngayong panahon ng Kapaskuhan hanggang matapos ang taon.

Ito ang tiniyak ni Philippine Federation of Bakers Association, Inc. (PFBAI).

Ayon kay  PFBAI President Chito Chavez  sa panayam sa DZMM, sa harap ng pagtaas ng P1.50 sa ilang kilalang brand ng loaf bread, patuloy nilang ibebenta sa P36 ang Pinoy Tasty bread dahil ito ay subsidized ng grupo ng mga baker bilang handog sa mga Pilipino.

Kinumpirma naman ni Chavez na gumalaw ang presyo ng loaf bread dahil tumaas ang presyo ng harina at asukal.

Binanggit naman ni Chavez na isinusulong pa rin nila ang paghahalo ng kamote sa paggawa ng tinapay upang makatipid sa paglalabas ng dolyar para bumili ng harina kaya nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) para sa technology enhancement na kakailanganin ng mga panadero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply