Pinoy woodpushers lumalakas ang tsansang sumungkit ng medalya

BINUHAT ng batang si Wesley So at ng beteranong si Eugene Torre ang Pilipinas sa pagsugpo sa second seeded India, 2.5-1.5 upang manatiling buhay ang pag-asa na makasungkit ng medalya sa chess event sa nagaganap na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Kinaldag ng 17 anyos na si So, (2669) si GM Pentala Harikrishna sa kanilang board 1 match habang ang 57 anyos na si Asia’s first grandmaster Torre ay pinisak si GM B. Adhiban sa board four.

Nagkasya sa draw si RP’s second rank player Joey Antonio laban kay GM Krishnan Sasikiran sa board two habang ang hero sa 2.5-1.5 fourth round panalo ng Pilipinas kontra Kazakhstan ay yumuko kay GM Surya Shekhar Ganguly.

Nakalikom ang sixth seeded Philippine ng walong puntos upang makuha ang solo second spot habang mag-isa sa tuktok ang powerhouse China team na may perfect 10 points.

Giniba ng China ang Iran, 3-1, mula sa panalo nina GMs Bu Xiangzhi at Zhou Jianchao laban kina over GM Homayoon Toufighi at IM Ashgar Golizadeh sa lower boards ayon sa pagkakasunod.

Makahaharap ng Pinoy woodpushers sa round six ang Uzbekistan na nakipaghatian ng puntos sa Kazakhstan.

Mangunguna para sa Uzbeks sina GM Rustam Kasimdzhanov at Anton Filippov kung saan nagwagi ang una sa individual gold medal sa rapid chess competitions noong nakaraang linggo habang ang huli ay nagkampeon sa naganap na 6th Prospero “Butch” Pichay chess tournament na ginanap dito sa Pilipinas noong Setyembre ng taong kasalukuyan. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply