Pintor inatado ng kainuman

PITONG saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang pintor matapos makadiskusyon ang kainuman dahil lang sa pulutan, kamakalawa ng gabi, sa Caloocan City.

Dead on the spot sa lugar ng insidente ang biktimang si Allan Flores, 30, auto painter, residente ng Midway Park Subd., Barangay 183, Bagong Silang, ng nabanggit na lungsod.

Kusang loob na sumuko sa mga nagrespodeng pulis ang suspek na nakilalang si Joreto Blanca, 30 anyos, walang hanapbuhay at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat ni PO2 Reynaldo Placido, bandang alas-10:15 ng gabi, nang maganap ang pananaksak sa harap ng bahay ng biktima.

Bago nangyari ang insidente, ang biktima at ang suspek ay nag-iinuman nang bigla na lang nagkasagutan ang mga ito.

Pinagalitan ng biktima ang suspek dahil dinudutdot ng maruming kamay nito ang kanilang pulutan na humantong sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito ay tinapos ng dalawa ang kanilang inuman at umuwi sa kani-kanilang bahay, subalit ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas ng bahay ang suspek na may dalang patalim.

Pagkakita ni Blanca kay Flores ay pitong beses nitong inundayan ang saksak ang huli na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi na nagawa pang makatakas ng suspek dahil sa mabilis na pagresponde ng ilang elemento ng PCP 16 ng Caloocan PNP kung saan ay kusang sumuko si Blanca. Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply