Pistons kinalawang sa Lakers

Dahil sa bangis ni Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers ay hindi nakaporma ang Detroit Pistons bunsod na rin ng technical fouls kahapon.

Si Bryant ay kumamada ng 33 points kahit na hindi na siya nakalaro sa fourth quarter ngunit sinamantala ng Lakers ang pagkawala ni Hamilton kaya nasungkit ang panalong 103-90 laban sa Pistons.

Samantala, pinayuko ng Miami Heat ang Phoenix Suns sa iskor na 123-96.

Si Chris Bosh ay nakatipa ng season-high 35 points bago bumalik sa fourth quarter habang si LeBron James ay nakakana ng 20 points sa panalo ng Miami, 123-96.

Kasabay nito, si Boston Celtics coach Doc Rivers ay nagbunyi sa panalo ng grupo, 114-83, laban sa Washington Wizards habang ang Toronto Raptors ay pinitpit ang Philadelphia 76ers, 94-86. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply