7 sugatan sa 2 sunog sa Cavite, isa hinihinalang namatay

PINANGANGAMBAHANG patay na ang isa habang pitong katao ang kumpirmadong nasaktan sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Cavite, Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat, kasama na nasugatan ang isang sundalo na may ranggong Petty Officer, na nakaladkad ng rumaragang trak ng bumbero. Habang nasugatan din si Arturo Maquil, na nagtamo ng sunog sa katawan nang tangkain pa niyang bumalik sa natutupok nilang bahay upang isalba ang ilan nilang mga gamit.

Batay sa report, nagsimula ang sunog bandang 11:23 p.m. ng Biyernes sa kabahayan sa P. Gomez Street, Cavite City na naapula na bandang 2:30 a.m. ng Sabado.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang napabalitang may isang namatay sa naturang sunog.

Samantala, nasunog din ang may 20 stalls ng tiangge sa Aguinaldo Highway sa Bacoor town.

Wala namang napaulat na nasugatan sa naturang sunog na nagsimula bandang 11:43 p.m. ng Biyernes na nagresulta ng matinding traffic sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. Naapula ang apoy bandang 1:20  a.m.  na ng Sabado.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply