PNoy nagalak sa paglaya ni Suu Kyi

Ikinatuwa ni Pangulong  Aquino  ang paglaya ng political prisoner ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Bukod kay Pangulong Aquino ay natuwa rin ang ibang mga  lider tulad ni US President Barack Obama na una ng nagparating ng kanilang kasiyahan sa development sa Myanmar.

“While the Burmese regime has gone to extraordinary lengths to isolate and silence Aung San Suu Kyi, she has continued her brave fight for democracy, peace, and change in Burma.She is a hero of mine and a source of inspiration for all who work to advance basic human rights in Burma and around the world. The United States welcomes her long overdue release,” ayon kay Obama.

Ayon sa Punong Ehekutibo na isa itong hakbang sa tamang direksyon at maibalik na ang political rights ng aktibista na 15 taong naka-house arrest.

Matatandaang si Aquino ay isa sa mga vocal na nagsusulong para sa paglaya ni Aung San Suu Kyi tulad din ng kanyang ina noon na si dating Pangulong Cory Aquino.

“It’s a step in the right direction. She was elected but she was not allowed to serve. It may be a good move for the government to turn back the clock and restore her political rights,” ang pahayag ni Pangulong  Aquino. (Kris Jose)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply