PNoy natameme kay Shalani

TIKOM ang bibig ni Pangulong Aquino  na magkomento sa unang salang ng dating kasintahan na si Shalani Soledad bilang co-host ni Willie Revillame sa variety show nitong Willing Willie sa TV5.

Ayon kay  Deputy Presidential spokesperson Atty.  Abigail Valte na tinext na niya ang Punong Ehekutibo sa isyung ito dahil alam niyang tatanungin siya ng media sa bagay na ito subalit hanggang ngayon ay hindi pa nagre-reply ang Pangulong Aquino.

Kamakalawa ay sinabi ng Pangulong Aquino na hangad niya ang kaganapan sa career ni Shalani at umaasang makamit nito ang tunay na kaligayahan.

Tanggap ng Malakanyang na hindi pa  maiiwasang madikit ang pangalan ni Pangulong Aquino sa paglalabas ni Shalani sa telebisyon.

Sinabi ni Usec. Valte na hindi nila mapipigilang mai-ugnay ang Pangulo sa anumang balita na kinasasangkutan ng dating girlfriend.

Inaasahan na rin ng Palasyo na hindi makaliligtas sa intriga ng showbiz si Shalani at umaasang malalampasan nito kapag dumating sa hinaharap. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply