PNoy pabor sa ‘open-skies policy’

PURSIGIDO ang administrasyong Aquino na ipatupad ang “open-skies policy.”

Sinabi ni Executive Sec. Paquito  Ochoa Jr. na inihahanda na nila ang Executive Order (EO) para sa implementasyon ng polisiya.

Subalit tumanggi itong idetalye ang nilalaman ng EO dahil sensitibong usapin at kailangan ng pag-iingat para hindi mabalikan.

Tugon na rin ito ng Malakanyang sa hindi maayos-ayos na labor dispute sa Philippine Airlines (PAL), kung saan apektado ang mga mananakay lalo sa sektor ng turismo.

Sa ilalim ng nasabing polisiya, maaari nang ma-pick up ng pasahero ang ibang mga carrier saan mang paliparan sa bansa at hindi eksklusibo sa PAL.

“We are preparing it at the moment, pero, I’m sorry I can not tell you the details yet,” ani Ochoa. “But it’s true. I can confirm now that we are preparing an order for that.” Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply