PNP, AFP nagpakalat ng libreng sakay

NAGPAKALAT ng libreng sakay ang pamunuan ng Philippine National Police at ang Armf Forces of the Philippine kasama ang MMDA matapos ang tigil pasada ng ilang mga kompanya ng bus upang maparailisa ang mga mamamayan sa buong Metro Manila.

Kabilang ang mahigit sa sampung six by six ng National Capital Region Police Office o NCRPO, 21 naman ang ipinakalat ng AFP at  51 sa MMDA, saka siyam sa ilang mga local goverment ang nagsagawa ng libreng sakay sa buong Kamaynilaan.

Ayon sa pamunuan ng NCRPO, batay sa kautusan ni PNP Chief Raul Bacalzo kaya agarang nagpakalat sila ng mga sasakyan katulong ang AFP at MMDA upang hindi maantala ang mahigit sa sampung libong mamayan na na-istranded matapos kondenahin ng ilang mga Bus Company ang ipanatutupad na Color Coding Number Scheme ng MMDA.

Inaasahan ng mga mga nabanggit na mga ahensiya ang gagawing tigil pasada kahapon kaya mabilis na tinugunan ang pagpapakalat ng mga sasakyan.

Kasabay nito ang panawagan ng PNP, AFP at MMDA sa ilang mga kumpanya ng mga bus na sundin na lang muna ang panukalang batas na ipinatutupad ni MMDA Chairman Francis Tolentino. Gaynor Bonilla

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply