Pokwang, masaya sa ABS CBN at never tatalon sa TV5

NATATAWA na lamang ang magaling na host at komedyanteng si Pokwang sa mga naglalabasang balita na diumanoy isa siya sa mga artista ng ABS CBN na malapit ng lumipat sa kapatid network-ang TV5.

Ayon na rin kay Pokwang, ni sa hinagap ay never niyang pinangarap na lumipat pa sa ibang tv network. Masaya raw siya sa pangangalaga sa kanya ng ABS CBN at kuntento na raw siya sa mga ibinibigay sa kanyang mga projects kaya never siyang nag-iisip na iwan ang ABS CBN na siyang nagbigay break sa kanya sa showbiz.

” Juice, ko naman day!, mahiya naman ako sa balat ng tinalupan kung lilipat ako sa ibang network or yang napapabalitang lilipat daw ako sa TV5. Hinde po totoo yan, at hinde naman po makapal ang mukha ko na matapos akong pagandahin ng ABS CBN e, iiwan ko na lang sila ng ganun.Masaya ako at sobra-sobra nga ang mga ibinibigay sa aking mga shows ng ABS CBN at grabe ang mga shows ko sa abroad courtesy of my mother station kaya dun sa mga nagsasabing lilipat ako e, sorry na lang po, never, never, neveeer po akong aalis sa ABS CBN,” say pa ni Pokwang.

Isa nga si Pokwang na itinuturing na bankable star ng ABS CBN television kung saan isa rin sa ipinagmamalaki nilang artista na ubod ng bait at marunong makisama sa lahat ng artista na never daw itong nanupla o nagtaray kahit pa sabihing malaki na ang pangalan nito sa showbiz.

ALMOST one month pa lang nari-release ang debut album ng tinaguriang Asias Diva na si Maggie Trinidad-ang kanyang album na Back Home ay most requested songs na agad ang dalawa niya sa awiting nakapaloob sa debut album niyang- Darck Clouds at Pahiwatig.

Sa Campus Radio FM sa Baguio, pasok na agad sa TOP 10 ang nasabing dalawa niyang awitin at sa mga AM stations naman dito sa Manila ay pasok naman sa top 20 ang mga nasabi ring awitin.

Nakatakda ngang humataw sa mga mall shows si Maggie na una niyang mall show ay gagawin sa Ever Gotesco Comonwealth.

Ayon na rin sa manager at kapatid niyang si Jhonatan Trinidad, pinaghahandaan na rin nila ang mga malalaki pang mga shows ni Maggie na handog nila sa mga fans ni Maggie Trinidad.

Starting ng November 14 -gabi-gabi na ang kasiyahang magaganap sa aking bayan sa Angono,Rizal. Nalalapit na kasi ang Higante Festival na kasabay ng kapistahan ng San Clemente na aming PATRON SAINT. Siyam na araw itong pinagno-novena at pagdating sa ika-siyam na araw ay ang pagtatakda ng Pagoda sa dagat at Higante Festival naman sa buong kalsadahan ng Angono.

Art Capital of the Philippines ang Angono,Rizal kung kayat halos lahat ng mga naninirahan dito ay may dugong artista sa lahat ng larangan. Ngayon pa lang binabati ko na at pinasasalamatan ang lahat ng mga taong sumusuporta sa aming nalalapit na Kapistahan….especially hello to konsehal Ramon Ravanzo ang napakabait kong kaibigan na may ari lang naman ng apat na malalaking private schools sa Rizal at kay Tita Claire Villanueva ng Alpine International Exports na isang magaling ding broadcaster. Charlie Lozo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply