Political appointee sa GOCCs bawal na

NAIS  nang ipagbawal ng Senado ang pamumulitika sa pagtatalaga ng sinumang opisyal ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na  inabuso umano  ng nakaraang administrasyon.

Base sa Senate Bill No. 2566, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na kailangan nang wakasan ang political patronage at horse trading sa pagtatalaga ng opisyal sa GOCCs upang mapigilan ang pang-aabuso sa kompanyang pag-aari ng gobyerno.

“Integrity, experience, education, training and competence are crucial factors in determining who will sit in the various governing boards of GOCCs. This standard should be properly observed by the President so he will not be accused of political accommodation, just like what happened in the past administration,” ayon kay Drilon, chairman ng Senate committee on finance.

Ayon kay Drilon, gagamiting panuntunan sa pagtatalaga ng opisyal sa GOCCs ang “fit and proper rule”  upang matiyak na kuwalipikado lamang ang siyang maitatalaga sa state firms, dahil kaakibat ng pamumulitika ang kainutilan at korapsyon.

“We need to institute reforms in the government because we want the people to have full confidence with our leaders,” aniya matapos kondenahin ang walang patumangga at pamumulitika sa pagtatalaga ng dating administrasyon sa mga inutil na opisyal sa mga GOCCs.

Sa ilalim ng Section 13 ng panukala, maitatalaga lamang ng Pangulo ng Pilipinas ang isang direktor mula sa maikling listahan na inihanda ng Governance Council for GOCCs, isang advisory at monitoring body na siyang may kapangyarihan na magtakda ng pasahod para sa lahat ng state enterprises. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply