Pope, lumambot ang posisyon sa condom use

SA HINDI inaasahang pahayag, sinabi ni Pope Benedict XVI na ang paggamit ng condom ng mga kalalakihang nagbebenta ng aliw ay isang tanda ng pagiging responsable.

Ang pahayag na ito ng papa sa isang German journalist ay ikinagulat ng marami. Bago rito ay mariing kinundena ng papa ang paggamit ng condom na siya raw lalong nakapagpapalala sa AIDS crisis.

Ang pahayag ay bahagi ng librong “Light of the World: The Pope, the Church and the Signs of the Times,” na ilalabas sa publiko ngayong Martes. Ang ilang bahagi ng nasabing interview ay inilabas kamakailan ng Vatican newspaper na L’Osservatore Romano.

Sa kabila ng pahayag, sinabi pa rin ng papa na hindi moral solution sa paglaganap ng AIDS ang paggamit ng condom. May ilan lamang ikang pagkakataon na ang paggamit nito ay maaring maging tanda ng moral responsibility.

Tulad ng sa kaso ng male prostitutes, ang condom use ay maaaring maging unang hakbang sa pagiging responsable at sa intensiyon na mabawasan ang posibilidad ng impeksyon sa pakikipagtalik.

Ani Benedict, “There may be a basis in the case of some individuals, as perhaps when a male prostitute uses a condom, where this can be a first step in the direction of a moralization, a first assumption of responsibility.”

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply