Porno DVDs, magazines, sex toys sinunog ni Lim

SINUNOG ni Manila Mayor Alfredo Lim kahapon ang may 15 kahon at 10 sakong porno materials na nakumpiska sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) sa Maynila.

Pinangunahan ng alkalde ang pagsunog sa mga porno materials dakong alas-diyes ng umaga nang isalang ito sa shredding machine.

Kabilang sa mga nakumpiskang porno DVD, sex gadgets at mga pekeng sex pills tulad ng Viagra.

Sinunog din ang mga sex magazine na kinumpiska sa paligid ng Quiapo area, Sta. Cruz at Avenida.

Kasabay nito, nagbabala si Lim sa mga porno vendor na tigilan na ang pagbebenta ng mga malalaswang palabas dahil hindi siya mangingiming kasuhan ang mga mahuhuling nagbebenta.

Ayon sa alkalde, patuloy pa rin ang isasagawa nilang kampanya laban sa pornograpiya, na umano’y isa sa mga dahilan ng pagdami ng krimen sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply