Post office kinana ng kawatan

Hindi pinaligtas ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ang opisina ng Caloocan Central Post Office na halos katabi lang ng Caloocan Police Station, sa Caloocan City.

Sa panayam kay Post Master Remencio Abude, bandang alas 3:00  ng madaling araw, pinasok ng magnanakaw ang Caloocan Central Post Office, sa Samson Road ng nasabing lungsod.

Nadakma na ni Lee Batadlan, postal security, ang magnanakaw pero nakahulagpos pa ito at nakatakbo sa compound ng police station, kung saan may mangilan-ngilang kabahayan doon.

Naiwang ebidensiya ang mga stainless na binaklas ng magnanakaw sa teller ng post office kasama na ang P50 na coins na nakasilid sa sako.

Personal na ibinigay ni Mr. Abude kay  Sr. Supt. Jude Wilson Santos, ang nasabing ebidensiya.

Sa galit ni Santos, ipinatawag nito si Sr. Insp. Reynaldo Valdez, para makipag-ugnayan sa Urban Poor Affairs Office sa Caloocan City Hall, upang alamin kung bakit nagkaroon ng bahay sa loob ng istasyon ng pulisya. (Jun Samson)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply