Poultry products bantay-sarado kontra bird flu virus

UPANG masiguro na walang makakalusot na bird flu virus sa Pilipinas, mahigpit na binabantayan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga cold storage facility at distribution centers ng mga poultry product sa buong bansa.

Sinabi ni NMIS Executive Director Jane Bacayo na inatasan na niya ang lahat ng kanilang regional offices na i-monitor ang mga cold storage facility at distribution centers ng mga poultry product upang masiguro na walang makalulusot na imported poultry product mula sa mga bansang may naitala nang kaso ng bird flu virus.

Pinababantayan din ni Bacayo ang mga planta at katayan ng mga manok, baboy at baka upang matiyak ang kalinisan ng mga ito kasunod na rin ng inaasahang pagtaas ng demand sa mga karne ngayong kapaskuhan.

Nauna nang ipinag-utos ng NMIS ang paglalagay ng bird flu free stamp sa mga poultry product na kanila nang nainspeksyon para maging kampante ang publiko sa pagbili ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply