PPP sinalubong ng protesta

Sinalubong ng kilos-protesta ng militanteng grupo ang inilunsad na private-public partnership (PPP) ng pamahalaan kahapon ng umaga sa Marriott Hotel na dinaluhan ni Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III sa Pasay City.

Hindi naman pinayagan ng pulisya na makalapit ang mga raliyista, na pinangunahan ng Bayan Muna, sa hotel.

Gayundin ay kinumpiska ng mga pulis ang streamer ng mga raliyista na may nakasulat na “Philippines not for sale.”

Pinayagan naman ang mga nagprotesta na makapagdaos ng programa dakong 10:30 ng umaga  malapit sa hotel.

Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes Jr. na hindi makatutulong ang PPP program ng pamahalaan dahil lalo lamang lolobo ang utang ng bansa at dadami pa ang pribadong korporasyon na aagaw sa pangunahing tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ng interes ng publiko.

Binansagan din ng grupo ang PPP program bilang “Private Public Plunder,” lalo na’t mayroon ng karanasan ang bansa sa private-public partnership kung saan lumobo ang utang at mga bayarin tulad ng napakataas na pagbabayad sa kuryente, tubig, toll fees at ang naka-ambang pagtaas ng pasahe sa MRT.

Malinaw rin aniya na una munang poprotektahan ng PPP ang kanilang kikitain bago ang serbisyo at pagbibigay ng proteksiyon sa mamumuhunan bago ang mga consumers. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply