Premyo sa Grand Lotto, hindi installment — PCSO

SAKALING mapanalunan man ang Grand Lotto 6/55, ito ay makukuha ng isang bigayan lamang at hindi gagawing installment.

Ito ang inihayag ni Remeliza Gabuyo, Asst. Manager for Online Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa panayam ng DZMM TeleRadyo. Sakaling may manalo na ng jackpot mamayang gabi, agad nilang ibibigay ng buung-buo ang panalo nito sa tseke na tax free.

Inaasahang papalo na ng P574 milyon ang jackpot sa 6/55 Grand Lotto matapos hindi mapanalunan ang P543 milyon jackpot sa kombinasyong 18-17-36-04-40-13 na binola noong Sabado ng gabi.

Dagdag pa ni Gabuyo, kailangang ang ticket holder mismo ang magdadala ng winning tiket sa PCSO upang ma-validate ito sa machine at malaman kung talagang siya ang may-ari ng ticket.

Bukod sa ticket holder, makakukuha din ng P500,000 premyo ang pinagtayaang lotto outlet.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply