Presyo ng LPG di tataas

TINIYAK kahapon  ng LPG Marketers Association na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) kaugnay na sunod-sunod na price hike ng produktong petrolyo.

Ang pagtiyak ay upang mapawi ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng pagtaas din ng presyo ng mga cooking gas o LPG.

Ayon kay LPGMA president Arnel Ty, hindi naman dumadaan sa apektadong pipeline sa Barangay Bangkal, Makati City ang kanilang raw materials kaya walang dapat na ikabahala.

Kahit umano magkaroon ng kakulangan sa suplay ng gasolina at krudo ay mananatili pa ring sapat ang volume ng kanilang LPG hanggang sa mga susunod na buwan.

Sinisi ni Ty ang pagtaas ng halaga sa pandaigdigang merkado at hindi ang gas leak. Johnny F. Arasga (Photo by Fenny Pineda)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply