Presyo ng LPG, tataas sa Disyembre ayon sa party-list rep

TATAAS ang presyo ng liquefied petroleum gas nitong Disyembre, ayon kay LPG Marketers Association party-list Rep. Arnel Ty.

Ayon sa mambabatas, ang pagtaas ng presyo ng LPG products na dahil sa mga pagbabago ng presyo sa pandaigdigang pamilihan, ay maaaring magtagal ng isang buwan.

Subalit di tinuran ni Ty kung magkano ang itataas ng LPG products sa panayam niya sa isang estasyon ng radyo nitong Huwebes.

Ngunit aniya, maaaring bumaba na ang presyo nito pagsapit ng Enero 2011.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply