Presyo ng manok at baboy tataas ng P5.00

INAASAHANG magtataas ng P5 kada kilo ang presyo ng manok at baboy sa mga susunod na araw, ngunit nilinaw ng mga opisyales ng agrikultura na wala itong kinalaman sa bird flu.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, ang pagtaas ng presyo ng mga naturang bilihin ay bunsod sa papalapit na Christmas season.

“More of the law of supply and demand, in preparation for the holidays, maraming nagpe-prepare ng hamon, manok … Hindi ito effect ng bird flu threat. Wala po, gusto ko lang i-correct, wala tayong bird flu sa Pilipinas,” ayon kay Salacup sa panayam sa dzBB.

Dagdag pa ni Salacup, aabot sa P125 kada kilo ang presyo ng manok.

“Alam natin isa sa paboritong hinahain ng ating kababayan ang karneng baboy at pumapangalawa ang karneng manok. Both commodities nagkakaroon ng adjustment pataas,” dagdag pa nito.

Samantala, siniguro naman ni Salacup na masusi nilang sinusuri ang mga pumapasok na manok na inaangkat sa ibang bansa bunsod ng kumakalat na bird flu. Sinisiguro nila na umaangkat sila ng manok sa mga bansang hindi kontaminado ng bird flu.

“We want to assure the public ang minimum access volume sa chicken doon lang sa bansa na walang avian influenza, sa US, Canada, karamihan doon galing ang inaangkat na chicken parts,” ayon pa kay Salacup.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply