Private armies lalansagin

INTERESADO si Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III na ipatutupad ang mga umiiral na batas laban sa private armies.

Sa katunayan ay patuloy niyang pinag-aaralan ang mga rekomendasyon hinggil sa tamang superbisyon ng paramilitary forces, na karaniwang ginagamit ng mga pulitiko bilang private armed groups.

“Abra at Masbate ang focal point  ngayon to demonstrate (ang paglalansag ng private armies),” ayon kay G. Aquino.

Ipo-professionalize umano ang mga ito.

“Hiningi ko nga ‘yung kanilang operating guidelines  para ma-review,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Nilinaw  ito ng Pangulo matapos ihayag kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na ikinokonsidera nila ang pagbuhay sa Commission Against Private Armies, na binuo ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Hanggang sa ngayon ay  hindi pa rin tuluyang nabubuwag ang mga private armed groups na nananatiling banta sa seguridad lalo na tuwing halalan. Kris Jose

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply