Protesta vs toll hike ipe-Facebook ng Piston

GAGAMIT na rin ang Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ng mga social networking site tulad ng Facebook, Twitter at Friendster bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra toll hike sa mga tollway.

Ayon kay George San Mateo, secretary-general ng Piston, sa pamamagitan ng mga social networking site ay mailalabas ng mga ordinaryong tao ang kanilang hinaing at sama ng loob hinggil sa planong ito ng South Luzon Expressway (SLEX), North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Panawagan naman ng grupo kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na isailalim na ang pamamahala ng mga nabanggit na tollways sa gobyerno upang maiwasan ang walang humpay na toll hike.

Ayon sa Piston, ang mga nasabing social networking site ay posibleng malaki ang epekto upang maisulong ang protesta laban sa 250-percent toll increase sa SLEX.   J. F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply