PSC chair nananaginip nang gising

Tila nananaginip umano nang gising si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia sa pahayag nitong makakabawi pa ang Philippine delegation na ipinadala nila sa 16th Asian Games sa Guangzhou China.

Ayon sa ilang kritiko, dapat tanggapin na ni Garcia na kulang sa training ang mga ipinadalang atleta.

Naniniwala rin ang ilang sports analysts na kulang sa mga programa ang RP sports dahilan upang mangulelat ang bansa sa mga pandaigdigang kompetisyon.

Isa rin sa mga nakikitang dahilan ng pagkakasira ng kampanya ay ang pagkakawatak-watak ng mga atleta dulot umano ng lumalalang korapsiyon sa nasabing hanay.

Unang idinepensa ni Garcia na masyado pang maaga para sabihing bigo ang kampanya ng Pilipinas doon at aniya’y mas magandang bigyan muna ng pagkakataon ang mga atleta na magawa ang kanilang misyon.

Ngayon ay nagmumukhang kawawa ang bansa sa mata ng mga Asyano dahil nangungulelat ito sa medal standings.

Magugunitang noong  2006 Doha Asian Games ay humakot ang bansa ng four-gold, six-silver at nine-bronze medals.

Itinatakda naman ng batas na bawat ginto na makukuha ng atleta ay nagkakahalaga ng isang milyon, kalahating milyon sa pilak at isandaang libo naman sa tanso. (Gilbert Perdez)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply