Publiko hinikayat tangkilikin ang lotto

HINIKAYAT ng Malakanyang ang publiko na patuloy na tangkilikin ang pagtaya sa lotto matapos masungkit ng nag-iisang lotto player na taga-Luzon ang mahigit P741 million sa 6/55 Grand Lotto.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na malaking bagay ang naitutulong sa pamahalaan lalo na sa mga mahihirap sa bawat indibidwal na tumataya sa lotto.

“Yes, maganda po ang nangyari roon. First of all, we’d like to congratulate the person who won, whoever he is. But, again, let’s not forget that there is a social policy towards this lotto. It will help our countrymen, PCSO achieve and perform its charity functions more efficiently given more funds that we can use to ameliorate the poorest of the poor,” ayon kay Lacierda.

Payo naman nito sa nag-iisang grand lotto winner ay gamitin ng maayos ang milyong pisong halaga ng napanalunan.  Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply