Pulitiko nasa likod ng pagbebenta ng cocaine

IBINULGAR  kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang maimpluwensyang pulitiko ang sangkot sa pagbebenta ng “cocaine” matapos na maaresto ang dalawang negosyante sa isang buy-bust operation.

Nakilala ang mga naaresto na sina: Arthur Olarte, 38, residente ng 608 Rising Sun Village, Proj.8, Quezon City; at Benjamin Liobing, alias Benjamin Bocboc Yu o Richardson Bondoc Ang, isang Chinese-Filipino at residente ng  Ma. Clara, Mandaluyong City.

Isinagawa ang nasabing buy-bust operation sa isang five-star hotel sa Ortigas Center, Pasig City noong Nob. 2.

Tumanggi si Atty. Ruel Lasala, deputy director ng NBI Intelligence Service, na banggitin kung sino ang pulitikong sangkot sa sindikato ng cocaine sa bansa.

“Iki-clear ko lang ha? Wala kaming tinutukoy na pangalan ng pulitiko. We are still verifying reports na ibinibigay sa amin,” ayon kay Lasala.

Nakumpiska ng mga ahente ng NBI sa nabanggit na buy-bust operation ang tatlong kilo ng  cocaine na nagkakahalaga ng P15 milyon. Isang NBI undercover agent ang nakipagkasundo kay Olarte na makipagkita sa hotel upang bumili ng isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P500,000. Jocelyn Tabangcura Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply