Pumuwesto ang bayaw ni Mayor Ilagan

TAPOS na ang eleksyong pambarangay at tuwang-tuwa ang mga nagwagi. Papaano nga kasi, ang kasunod ay sumpaan blues para sa mga tungkuling pupuwestuhan.

Naalala tuloy natin ang aking yumaong ina dahil sa naranasan niya ang manungkulan sa aming barangay, ngunit tatlong buwan lamang ang itinagal ng kanyang paninilbihan.

Matapos makapanumpa ay binawian siya ng buhay. Hindi na nalasap ang hirap sa buong panahon ng kanyang termino.

Ngunit bago niyon, kilala ang aming ina bilang public servant. Hindi pa siya nahahalal ay marami nang nagawa sa aming lugar.

Katunayan pa, sa pamamagitan niya natayo ang periculture sa barangay namin.

Si madir dear din ang nag-ayos ng may isang daang truck na panambak noong hindi pa nasesementuhan ang Felix Subdivision sa Cainta Rizal.

Bukod doon, mismong sa bahay namin ang bagsakan ng mga relief goods kapag may bagyong dumarating sa ating bansa.

Bigas, de-lata, noodles, kandila, mga damit at kung ano-ano pa ang kanyang ipinamimigay. Kasama na rin
ang ilang cash na mula sa kanyang sariling bulsa.

Wala sa hinagap na isang araw, tatakbo rin siya sa pulitika. Ngunit napakadaling termino lamang dahil nga sa tatlong buwan lang ang kanyang paninilbihan.

Sa ngayon, kapag bumagyo ay hindi ko nakikita ang mga ginawang paghihirap ng aking ina. Kesa hoda kung lumubog ang buong barangay. Walang aksyong ginagawa ang mga may tungkulin. Kung meron man, makikita mo na santambak na press people ang imbitado para saksihan ang kanilang sinasabing pagkakawanggawa.

Siyempre, panay possing habang umaarte na sila ay namamahagi ng tulong.

Gaya na lang nang sunud-sunod nating puna kay Mayor Mon Ilagan hinggil sa labis na pagbaha sa aming subdibisyon.

Umaksyon nga si yorme pero anak ng itik na nagluwal ng pato… pati telebisyon midya ay naroroon.
Kinukunan ang pagpapasipsip ng mga tubig kanal sa ilang eskinita lamang. Hindi buong subdibisyon. At si yorme, parang lumalabas pa rin sa kanyang istasyon sa dos, panay ang pakuha.

Ngayon nga, tigil na iyon at tumagal lang ng isang araw yata? Ganoon din, kasama ang nagwaging tserman sa aming lugar.

Na re-elect si Joe Ferrer at pati si Sicat saka Jacob ay pinataob.

Bukod sa halal ng mga tao, siya rin ang dinala ng kapatiran ng Iglesia. Nadale niya ang kaisahan ng kapatiran.

Pero ang reklamo ng mga taga-Feliz, wala naman daw nagawa si tserman sa panahon ng kanyang termino. At ngayon, panibagong termino naman.

Teka…kung walang nagawa, bakit nanalo? Bakit siya ang lumabas sa eleksyon?

Ang isa pa na ating sinisilip noon ay walang iba kundi ang bayaw ni yorme na si Buboy S., na tumakbong tserman sa kanilang barangay.

Sinabi natin, na si Buboy S., ang siyang humahawak sa mga gambling lord sa bayan ng Cainta. Kung meron mang makikitang pasugalan sa aming bayan, may blessing iyan ng bayaw ni yorme.

Susmeng buhay ‘to! Ganyan na ba kamangmang ang mga tao ngayon?

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply