Qatar pisak sa Gilas

Pinisak ng Gilas Pilipinas ang Qatar dahilan upang makasikwat ng kauna-unahang panalo sa Group F sa 16th Asian Games men’s basketball competition sa Huangpu Gymnasium.

Sa unang sigwada pa lamang ng laro ay nagpakita na ng bagsik sina JV Casio at Chris Tiu habang nakaalalay din si Marcio Lassiter sa pagpapanatili ng lakas ng Nationals upang makakuha ng quarterfinals berth.

Si Casio ay nagpasabog ng game-high 22 points kung saan umunat hanggang 49-28 ang lamang sa halftime na nagpahiwatig na ng pagbabanta sa Qataris.

Tumipa naman si Lassiter ng 13 habang sina Tiu at Greg Slaughter ay nag-ambag ng tig-12 points para sa PHL 5.

Habang isinusulat ito ay haharap sa Japan ang Gilas bandang 9:30 p.m.

Samantala, sina Mac Baracael at Asi Taulava ay nagdagdag ng tig-10 markers sa team na tinitimunan ni coach Rajko Toroman.

Ayon kay Toroman, malaking bagay ang kanilang panalo dahil nakabawi sila mula sa tinamo nilang 48-65 loss sa kamay ng Iranians nitong Martes. (GP/RT)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply