QC naglagay ng checkpoint para sa tainted meat

NAGLAGAY na ng mga checkpoints ang Quezon City sa mga malalaking palengke dahil sa pagdami ng nagbebenta ng tainted meat sa mga malalaking palengke bunsod na rin sa pagtaas ng demand nito sa paparating na Christmas season.

Nabatid na naglagay na ng mga checkpoints ang pulisya at veterinarian’s office particular sa Balintawak market.

Ayon sa pulisya, maraming kaso noong nakaraang Kapaskuhan na naglipana ang mga nagbebenta ng “double dead” meat dahil na rin sa mataas na demand nito sa merkado bunsod ng Christmas season.
Dahil dito, umapela si city veterinarian Ana Maria Cabel sa Kongreso na gumawa sila ng batas na magpaparusa laban sa mga smuggler ng tainted meat.

Ayon pa kay Cabel, ang tanging umiiral lamang na batas para sa mga smuggler ng tainted meat sa ngayon ayang  pagkumpiska lamang ng ito sa mga palengke.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply