Rapid chess puputok sa Dagupan

Sasabog na ang 2010 National Inter-Cities at Municipalities rapid chess team championship  sa Dec.18 hanggang 19 sa People’s Astrodome sa Barangay Tapuac, Dagupan City.

Ang dalawang araw na kompetisyon ay inaasahang lalahukan ng top players sa bansa mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad.

Ito ay isinusulong ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan ng Dagupan City government.

Sa nine-round Swiss tournament ay nakataya ang lion’s share na P70,000 at tropeo.

Ang runner-up at third placer ay magbubulsa ng P50,000 at P30,000, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang mga individual gold medalists mula isa hanggang lima ay magkakamit din ng tig-P2,000 bawat isa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply