Rapist na may putok nabokya

NAKALIGTAS ang isang ginang nang magising at masamyo  ang masamang amoy ng lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya, sa Navotas  City.

Ang biktima na nagharap ng reklamo sa  Women’s and  Children  Protection  Desk  ay nakilalang si Marimar, hindi tunay na pangalan,  24, may asawa, at residente ng 36 Int. Northbay Boulevard North, ng nabanggit na lungsod.

Ang suspek na naaresto ng mga tanod ay nakilalang si Gregorio Tongco de Jesus, 30, pedicab driver, kasalukuyang nakatira rin sa bahay ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni P02 Eva Rala,  ganap na ala-una kahapon ng madaling araw nang maganap ang  insidente.

Sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog  kasama ang   dalawang anak nang  magising at mapansin na may gumagapang na kamay sa kanyang hita hanggang sa makarating sa underwear niya sa pag-aakalang ang asawang security guard mismo ang gumagawa niyon.

Dahil sa mabahong amoy na muntik na niyang ikaduwal, dito natuklasang na hindi ang mister niya kundi si De Jesus ang nais lumugso sa kanyang puri ngunit mabilis itong tumakbo papalabas ng bahay.

Kaagad na nagtungo ang ginang sa barangay hall at ipinaalam ang masamang hangarin sa kanya ng suspek.

Si De Jesus ay kaibigan ng mister ng biktima at kanilang pinatuloy dahil sa wala itong matirahan.Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply