Raymart, napikon sa hiwalayan isyu nila ni Claudine

HINDI na napigilan ni Raymart Santiago na maglabas ng sama ng loob sa mga taong gusto silang paghiwalayin ni Claudine Barretto. Napikon na ang actor sa isyung hiwalay na sila ng utol ni Gretchen Barretto.

Sa phone patch interview kasi ni Raymart sa Showbiz Central ay seryoso nitong sinabi kay John Lapuz na matagal niyang inalagaan ang kanilang relasyon ni Claudine.

“Alam mo Sweet (tawag kay John Lapuz) matagal kong inalagaan itong asawa ko, itong relasyon na ito. Pinagsama kami ng Diyos, di ba? Tapos, paghihiwalayin kami. Ang may gusto lang namang mapaghiwalay kami ay mga demonyo! So, tantanan na nila kami. Tigilan na nila,” say ni Raymart.


OGIE ALCASID, HINDI PA RIN NAKAKALIMUTAN ANG MGA ANAK

Isang mabait at responsableng ama si Ogie Alcasid dahil di ito nakakalimot sa kanyang dalawang anak kay Michelle Van Eimeren sa Australia.

Pagkatapos ng kanyang programa last Sunday ay dumiretso na sa airport si Ogie para bisitahin ang kanyang dalawang anak sa Australia.

Hindi niya isinama ang future wife na si Regine Velasquez sa biyahe for some personal reason na sigurado naman maiintindihan ng Songbird.

Sa Sabado ang balik ni Ogie ng bansa from Australia, in time para sa rehearsal ng kanyang Sunday noontime show.

Kahit na anong busy ni Ogie ay hindi nito nakakaligtaan na bisitahin ang kanyang dalawang anak sa Australia kesehodang may importante siyang obligasyon sa kanyang mga programa sa Kapuso.

Sabi ni Ogie, ayaw niyang magkulang sa kanyang obligasyon bilang isang ama lalo na ngayong lumalaki na ang mga anak nila ni Michelle na kailangan ng fatherly love.

Samantalang nag-e-enjoy si Ogie sa “Show Me Da Manny” as kamag-anak ni Manny Pacquiao sa sitcom, taliwas sa tsikang ayaw na niyang lumabas sa naturang sitcom.

“No! Sino namang nagsabing ayoko na lumabas sa “SMDM”? Ako tatanggi sa grasya? Saka nag-e-enjoy ako sa sitcom. Masarap lumabas sa isang comedy show. Di ba kahit anong busy namin ni Michael V, we make sure na mag-share ng idea sa Bubble Gang para maging kuwela at maiwasan ang magpatawa ng corny,” pahayag ni Ogie.

HAYDEN KHO, NAGYABANG NA NAGBAYAD NA KUNO SA GINAWANG KABABUYAN

Hindi napigilan ng kasama namin sa panulat ang galit sa pinagsasabi umano ni Hayden Kho sa interview nito sa talk show na napagbayaran na raw niya ang mga ginawang kababuyan sa mga babaing ikinama na niya, ini-record pa?

Ano raw kabayaran ang pinagsasabi nito ganoong hindi pa nito pinagbabayaran ang ginawa raw nitong kababuyan kay Katrina Halili?

Nakasisiguro rin daw ang kasama namin sa panulat na masayang-masaya ang controversial na doctor dahil pinag-uusapan na naman daw ito ngayon.

Kung talagang maganda raw ang hangarin nito sa “baliw” na pagmamahal ni Dra. Viki Belo sa kanya ay hindi magbibigay ng pahayag ang anak ni Dra. Belo na tutol ito sa pagbabalikan ng dalawa (Hayden at Dra Viki).

***

Nalulungkot kami sa pagpanaw ng kasamahan namin sa Philippine Movie Press Club (PMPC) na si Robert Pangis sa kanilang tahanan sa Nueva Ecija. Si Robert Pangis ay active member ng PMPC at assistant treasurer ng samahan bago siya namatay. Isa rin siya sa PRO ni Ricky Reyes at binansagang Guimba Girls ng press.

Ang sanhi ng pagkamatay ni Robert ay komplikasyon sa diabetes. Inilibing siya sa kanilang lugar sa Guimba, Nueva Ecija.

Taos pusong pakikiramay ang aming ipinaabot sa pamilya ng kasamahang reporter na si Robert Pangis. Gerry Ocampo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply