Rayver Cruz, Andi Eigenmann, inireklamo ng producer dahil unprofessional

INIREREKLAMO ng isang taga-produksiyon sa Regal Entertainment ang pagiging “unprofessional” sa trabaho ng dalawang young stars, sina Rayver Cruz at Andi Eigenmann.

Kasali pareho sina Rayver at Andi sa Metro Manila Filmfest 2010 entry ng Regal, ang “Shake, Rattle & Roll XII”, sa episode na “Isla Engkanto”, directed by Topel Lee.

Ano’ng “act of unprofessionalism” ang naibibintang kina Andi at Rayver?

Ayon sa production insider na nakausap namin, “Madalas silang late mag-report sa shooting.  Tapos, gusto, maisalang (o makunan agad ang eksena), eh, ang dami kaya nilang kasama sa cast.

“Tapos, si Andi, minsan, on call siya, nasa Cavite ang shooting. Pinadalhan ng location map, sinend sa e-mail niya.  Tapos, tumawag, papunta na raw siya (with her road manager).

“‘O, nasa’n ka?  ‘Nasa Tagaytay po!’  O, di ba? kundi ka ba naman maloka niyan!  Ang sabi, hindi raw nila na-receive ‘yung location map. O hindi ma-download, or something.  Naku, please!  Inulit ko pang i-check kung na-receive nila ‘yung location map, sabi, oo! Hmph!” inis na nagkuwento ang production insider.

“Si Rayver naman, gusto niya talaga, madaliin na makunan ang eksena niya, e, ilang oras namang late kung dumating!” himutok pa ng kausap namin.

For sure, merong mga paliwanag tungkol dito ang mga nabanggit nating young stars.  Ayaw ng Star Magic na ganyan ang kanilang mga contract artists, sa pagkakaalam namin, dahil hinuhubog ng talent management outfit ang mga ito sa pagiging totoong professional sa trabaho.

Meanwhile, wala namang ka-proble-problema sa kanyang mga artista ang isa pang direktor ng “SR&R XII” na si Jerrold Tarog.  “Punerarya” episode ang kay direk Jerrold, at napakabilis natapos ng shoot nito, na wala kaming narinig na reklamo mula sa taga-production.

Mula sa mga bidang may pangalan na din, tulad nina Carla Abellana, Sid Lucero at Mart Escudero, Nash Aguas, hanggang sa mga baguhan, tulad nina Aldrich Darren, Gaby dela Merced, Dennis Coronel, Althea Vega, Anna Valencia, among others, pati sa mga veteran character actors, like Jess Evardone at Odette Khan, maganda ang nabuong working relationship ng mga ito at walang naireklamo ang nakausap naming production insider.

Ang isa pang episode ng “SR&R XII” ay ang “Manika” na bida si Shaina Magdayao, kasama si Ricky Davao.  Si Zoren Legaspi ang direktor.

Sa Metro Manila Filmfest, simula December 25 this year, mapapanood ang pelikula.

*  *  *  *  *

After “Tarima” (na showing pa sa iba’t ibang Metro Manila theaters), ang acclaimed indie film na kanyang pinagbidahan (sa direksiyon ni Neal Tan) at ang ongoing ding regional competitions ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association) na kanyang pinangunguluhan, beauty/cosmetics business pa rin, as usual, ang isa pang preoccupation ni Fanny Serrano. All these, of course, aside from his active involvement in his Church group bilang isang renewed Christian.

Sa gitna ng mga kaabalahan niya, nadesisyunan ni Tita Fanny na ilunsad ngayong linggong ito ang “Fanny’s Professional Hair Care Range” (TF’s own formulations), na exclusively available sa lahat ng Watson’s at SM Department Stores.

Fanny’s Professional Hair Care Range include: shampoo, nourishing, revitalizing, protect/anti-frizz, scalp treatment/hair-loss; conditioner-nourishing, revitilizing; shape-shifter clay; matte and hard wax; serum with jojoba oil and vitamin PRO 135; and thermal protection serum.

So there. William Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply