Rebulto ni Paquiao, pasisinayaan sa MOA

NAKATAKDANG  pasinayaan ang kauna-unahang rebulto ni pambansang kamao Manny Pacquiao sa Seaside Boulevard sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa Biyernes.

Itinayo ito bilang pagkilala sa naiambag ni Pacquiao na karangalan at kahusayan sa larangan ng boksing na naging daan upang kuminang ang kanyang pangalan sa buong mundo.

Sisimulan ang pagpapasinayasa rebulto na tinaguriang “People’s Champ” dakong alas-singko ng hapon. Inaasahang dudumugin ang okasyon ng daan-daang tagahanga ng bantog na kongresista ng Saranggani.

Bukod kay Pacquiao, dadalo rin sa isasagawang okasyon na itinaguyod ng Alaxan FR ang hari ng bowling na si Paeng Nepomuceno, ang sikat na bandang Bamboo; at mga mag-aawit na sina Jed Madela, Nyoy Volante at Bugoy Drilon.

Matapos ang unveiling sa rebulto ng kongresista, susundan ito ng street party para i-celebrate ang tagumpay ni Pacquiao sa laban niya kay Antonio Margarito.

Sa huling laban niya kay Margarito nasungkit ni Pacman ang pang-walo niyang titulo sa pandaigdigang kampeonato sa larangan ng boksing sa iba’t-ibang dibisyon. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply