Red Cross nakaalerto na sa posibleng pagsabog ng Bulusan Volcano

NAKAANTABAY ang Philippine Red Cross sa posibleng pagsabog ng Bulusan Volcano na isang banta sa kaligtasan ng mga naninirahan malapit sa naturang lugar.

Ipinag-utos na ni PRC Secretary General Gwendolyn Pang sa mga staff at volunteers, lalo na sa Sorsogon Chapter na masusing i-monitor ang aktibidad ng naturang bulkan.

“I enjoin all staff and volunteers of PRC Sorsogon Chapter to be on alert 24/7 and to monitor the volcanic activity of Mt. Bulusan. Let us prepare our rescue vehicles and equipment for a possible response when this situation gets worse,” ayon pa kay Pang.

Pinananatili pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Alert warning level 1 ang Bulusan Volcano na nakararanas na ng pagbuga ng abo noong Sabado.

Naitala rin na nagbuga ng abo ang naturang Volcano dalawang beses noong Martes.

Hinimok din ni Pang ang mga local government na maglaan na ng mga evacuation upang masiguro ang kaligtasan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente na malapit sa Bulusan Volcano.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply