Social Worker kinasuhan ng murder

Kinasuhan ng murder sa Quezon City Court ang isang registered social worker na inakusahang pumatay sa kasamahan sa trabaho, sa lungsod Quezon.

Si Jose Paulo Catacutan, isang social worker at empleyado ng Community Builders Foundation Inc., ay nahaharap sa kasong murder matapos nitong mapatay ang kasamahan na si Cecilia Lancion, 47-taong gulang, isang  administrative officer ng CBF sa Scout de Guia St., Brgy Laging Handa, Quezon City.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa QCPD-CIDU sa Camp Karingal, Sikatuna Village.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Catacutan na ang biktima ay sinaksak ng street person na humihingi rin ng tulong sa kanilang tanggapan na nakilalang si Rommel Sagiste.

Nabatid sa ulat na si Sagiste ay nakipagtalo kay Lancion noong umaga nang maganap ang pagpaslang dito.

Kaugnay nito, ang mga dating kaklase ng suspek sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na kasamahan din nito sa kursong social work ay nanawagan sa Quezon City Police District na dapat na madakip ang tunay na salarin sa krimen na si Sagiste na  tumakas matapos ang pagpatay. (Santi Celerio)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply