Reklamo ng mga obrero na inayawan ng labor arbiter

ANG reklamo naman ng mga obrero sa kompanyang North Star sa Pier 2, North Harbor Tondo, Manila ang ating ibubuyangyang.

Kasabay nito ay gigisingin at tatawagan natin ng pansin si Department of Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz para maproteksyunan ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ang balita nga natin ay inayawan daw ng arbiter ng DOLE ang inihain na reklamo ng mga obrero ng North Star.

Aba’y, pag ganyan nang ganyan ang ginagawa ng mga arbiter ng DOLE, walang  paroroonan ang ipinagmamalaki na ‘matuwid na landas’ ni PNoy.

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng mga manggagawa ng North Star.

Gud pm. Nais ko lang ipa-batid sa inyo ang aming rek-lamo tungkol sa dati naming employer.
Nagsampa na kami ng kaso sa Labor Department pero ang problema namin ay inayawan daw ng arbiter ang aming idinulog na kaso.

Ang aming kompanya ay North Star sa Pier 2, North  Harbor, Tondo, Manila.

Sana, Sir Johnny, makarating ang aming reklamo kay DOLE Sec. Rosalinda Baldoz.

Ang hangad po lamang namin talaga, Sir Johnny, ay makuha namin ang aming separation pay. Maraming salamat po!!!

PANANALASA SA SUGALAN TULOY

Sa kabila ng pagkaka-expose natin kay RMG chief Col. Spine or Espin ay  wala pa ring  habas ang pananalasa niya sa mga pasugalan at club sa Metro Manila. Nanghuhuli pero hindi naman niya tinutuluyan bagkus ay kanya lang itong  binabangketa.

UNTOUCHABLE KAY PAPA MAYOR

Matatag at patuloy pa rin ang prostitution sa FHM Club ni Caralde sa Que-zon City.

Hindi magalaw dahil sa malakas daw kay Papa Mayor ang naturang club. Ano ba, Mayor Bistek?!?!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply