Relasyong Angel at Luis, pinanghihinayangan ni Boy Abunda

CONGRATULATIONS to Boy Abunda! Lalo kaming humanga sa kanyang pagsagot sa mga katanungan at kakayahan bilang talk show host sa episode na siya ang niro-roast sa kanyang sariling programang Bottomline.
Para que naman na tagurian siyang “King of TV Hosting” for nothing, di ba?  Kung tinanggap man nito ang offer sa kanyang isang posisyon sa administrasyon ni President Aquino, he really deserved it.  Tama siya na mangarap na magkaroon ng isang international talk show someday dahil sa kalibre ng pananalita nito at katalinuhan ay isa siyang world class sa kanyang larangan.  Belated happy birthday Boy Abunda.
Sa huling episode ng The Buzz ay buong puso nitong pinanghihinayangan ang hiwalayang Angel Locsin at Luis Manzano.  Para sa kanya, beautiful and made for each other ang dalawa lalo na deep and outside ng kanilang pagkatao ay puro kagandahan ang ipinapakita sa publiko.
Ayon kay Boy, nararamdaman nito ang sakit na dinadaanan ng dalawa, kay Angel for another break-up at kay Luis naman, nasaktan nito ang damdamin ng babaing kanyang minamahal.
Hanga siya sa ipinakikita ngayon ng aktor na umamin sa kanyang pagkakasala kay Angel.
Respetado naman nito ang pinagagaling ng emosyon ng huli at kahit hindi niya gaano kabisado ang kuwento ng dalawa ay alam nitong isang huwarang babae ang aktres.
Sa isang interview kay Angel ay gusto na nitong patulan ang isyu na isa siyang tomboy base sa kanyang pagiging zero sa lovelife.  Bilang depensa, nagkaroon siya ng ilang boyfriend noon pero parang gusto nitong patulan ang tsismis at gusto nitong maranasan ang buhay-tomboy.  Maliban sa aktor ay naging syota din nito si Oyo Sotto at na-link pa nga sila ni Cogie Domingo na hanggang ngayon ay itinatanggi ng aktres.
Sa parte naman ni Luis, inamin nitong marami silang pinagdaanan ni Angel noong mag-on pa sila at ngayon, bilang bagong couple ay sinisubukan nilang ayusin lahat ng kanilang pagkakamali patungo sa isang bago at magandang relasyon.
Bilang isang lalaki, inamin nitong mayroon siyang nagawang malaking pagkakamali sa aktres pero ayaw nitong kumpirmahin kung ano ito.  Tuloy may mga haka-haka na may third party involved dito dahil may lumalabas sa gitna ng kontrobersya ang pangalang Alojah Gosiengfiao nang nag-host si Luis sa event ng huli.
Ang babaing ito kaya ang dahilan kung bakit tuluyan nang maghihiwalay ang dalawa?  Ano kaya ang gustong ipahiwatig ng aktres sa kanyang tweeter na “To change and to change for the better are two different things,” patungkol kaya ito sa kanya o sa kay Lucky?
MARIAN AT SAM, SUSUNOD NA PAGBABANGGAIN
Tiyak na ang susunod na pagbabanggain ay sina Marian Rivera at Sam Pinto dahil sa tsika na nag-flirt ang ang huli kay Dingdong Dantes.
Teka, sino ba ang nagpi-flirt kay kanino?  Posibleng hindi si Sam dahil ayon sa kanya, bumati lang siya sa mga taong nadatnan nito sa loob ng dressing room at nataong nanduon ng mga sandaling ‘yon si Dingdong Dantes.  Kaya nga, may nag-iisip na tiyak may uusbong na panibagong kontrobersya si Marian dahil tiyak susugurin nito ang baguhang aktres.
Kung hindi si Sam, may ilang nagduda bakit nandoon si Dingdong sa dressing room na wala naman doon ang kasintahan, sino ang gustong makita doon?
Hindi naman nagtagal si Sam at nagpaalam siya sa lahat. Walang nangyaring landian sa kanila ni Dingdong at puwedeng patunayan ito ng mga taong nasa loob ng kuwarto. Kaya hindi matukoy kung sino ang nagkakalat ng balitang sobra ang pagka-OA dahil labas-masok ang mga tao sa nasabing lugar.
PERSONAL: May show si Luningning sa La Riqah Resto Bar, San Carlos, Bacolod, Negros Occidental noong Miyerkules, November 3 na pinamagatang ‘Horse Power Bar Tour’ at ito ay may kinalaman sa kapistahan doon.   Kasama niya si BM ‘Big Mouth’ Amper na pagkatapos nitong umariba sa Pilipinas Got Talent ay tuloy-tuloy din ang mga show nito under the management of RC Perez of Kreativ Events and More Phils.,Co.
Ito ay mula sa paanyaya ng butihin at may-ari ng sikat na restobar na si Madam Karen Selma.  Kasama rin si Rona Lofranco of GMA-7 Who’s The Next Big Star fame at ito ay mula sa direksyon ni Direk RC Perez. Alex Datu
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply