Relokasyon giit ng mga residente ng WTC

TILA matatagalan pa at wala pang katiyakan kung kailan makababalik ang mga residente ng West Tower Condominium dahil sa patuloy na pagtagas ng langis sa ilalim ng lupa na kinatitirikan ng gusali.

Labis na nangangamba ang mga opis-yal at residente ng Makati City sa posibleng malaking pinsala nito sa mga tao kung patuloy silang mamalagi sa lugar.  Kaya’t sapilitan nang pinaalis ang mga nakatira dito.

Pero iginigiit ng mga residente ng West Tower Condominium sa Makati City ang kanilang pansamantalang relokasyon habang sumasailalim pa sa pagsusuri ang gusali kaugnay sa patuloy na pagtagas ng langis mula
sa pipelines sa ilalim ng lupa.

“Dapat bigyan kami ng pansamantalang matitirahan habang ganito ang kalagayan namin.  Bakit yung mga squatter binibigyan ng relokasyon dapat ganito rin ang gawin sa amin,” giit ni G. Bobby Dimayuga, isa sa unit owner ng West Tower Condo sa isinagawang ocular inspection sa lugar sa pangunguna ni Sen. Juan Miguel Zubiri, chair, Senate committee on environment.

Magugunita na unang nadiskubre sa lugar ng kinatatayuan ng nasabing gusali ang pagtagas ng langis nitong Hulyo 21 ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, sinabi ni Zubiri na hihilingin nito sa mga higanteng kumpanya ng langis, ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation at  Chevron Philippines Inc. na magsumite ng kanilang delivery reports sa huling apat na buwan upang malaman kung gaano karami na ang petrolyo na tumagas sa Batangas-Manila pipeline ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC).

Sa pamamagitan aniya ng oil firms’ fuel delivery reports, malalaman ng Senado kung gaano karami ang fuel oil firms ang nawala  sa Shell at Chevron mula sa ilalim ng lupa.

Iginiit pa ni Zubiri na mahalagang maibalik ang tumagas na langis dahil nakasalalay dito kung makababalik pa ba ang mga residente ng nasabing condominium.

“Kawawa naman ang mga residents ng Makati lalung-lalo na sa West Tower,” ani  Zubiri.

Habang binabaybay ni Sen. Zubiri ang pali-gid ng gusali kasama si Carlos Arcilla, University of the Philippines National Institute of Geological Sciences Director at ilang opisyal mula sa Bureau of Fire Protection,  sinabi ni Arcilla na patuloy na tumatagas ang langis sa ilalim ng West Tower Condominium dahil naging “reservoir” na ng langis ang buhangin sa ilalim ng lupa at semento na kinatatayuan ng
gusali.

“We have to stop that and intercept that outside the building. If not, fumes will remain and threat of explosion will remain.  At least 800 barrels of fuel have been retrieved since the beginning of excavation,” ani Arcilla.

Nabatid din na   apektado na rin nang pagkalat ng tumagas na langis ang mga lugar ng Osmeña Highway at Bangkal sa Makati City.

Sinabi din ni Zubiri na magpapatawag siya ng isa pang pagdinig kaugnay sa isyu ng oil leakage sa Makati City kapag natapos na ang isinasagawang pagsu-suri sa mga pipeline.

Nagpahayag naman ng kahandaan si FPIC officer-in-charge Anthony Mabasa,  na maki-kipagkaisa ang kaniyang tanggapan sa naturang pagdinig upang sagutin lahat ng mga katanu-ngan kaugnay sa isyu.

Magugunita din na aminado ang FPIC sa unang pagdinig nito sa Senado na nagkakaroon na ng problema ang pipelines noon pa mang 1983.

Sa nasabing ocular, sinabi rin ni Arcilla kay Sen. Zubiri na malaki ang pangamba at takot sa posibleng pagsabog dahil sa pagtagas.

“Worst case scena-rio is now. No. What has to be done is to protect West Tower from explosion, to stop the fuel from flowing to the building by all means necessary…and that can be done. But an explosion of Makati, that will not happen. It is not a gas pipeline,” ani Arcilla.

Idinagdag pa ni Arcilla na hindi ang pipeline ang nakikitang problema ngayon kundi ang tumagas na langis na nakaaapekto sa kalikasan na kasaluku-yang nasa ilalim ng lupa.  Kontaminado na ang tubig at lupa sa ilalim.  “We don’t know how much because we don’t know when the leak started.”

Sa kasalukuyan ayon kay Romnick Monreal, 22, empleyado ng Bensan Oil Refinery sa Caloocan City at contractor ng naiipong la-ngis mula sa tagas sa  ilalim ng lupa ng condominium, nasa 15-17 drum ng pinaghalong kerosene at diesel ang kanilang nakokolekta araw-araw mula nang magsimula ang tagas noong Hulyo 21, 2010.

Epekto sa kalusugan

Wala mang direktang komento mula sa isang eksperto hinggil sa epekto ng langis sa katawan ng tao, personal kong naramdaman ang bahagyang pagkahilo at hirap sa paghi-nga nang lumapit ako sa bungad ng basement ng West Tower Condominium na kinaroro-onan ng mga drum na naglalaman ng pinag-halong kerosene at diesel na nakuha mula sa ilalim ng lupa.  Ganito rin ang naramdaman ni Sen. Zubiri.

Ayon sa isang residente na malapit sa gusali, may ilang linggo na siyang nakararanas ng pananakit ng
tiyan mula nang madiskubre ang pagkalat ng langis.

Posibleng maging ganito rin ang maramdaman ng mga bata na nakatira sa mga paligid ng gusali.

Ayon kay Nida Quianio, 31, janitress at 2-taon nang naninilbihan sa gusali, minsan nakararanas siya ng pagkahilo noong simula ng pagkalat ng langis pero nasanay na rin siya sa katagalan.

“Nangako po yung tenants dito na isasailalim kami sa general examination kapag natapos ang imbestigasyon dito para makasiguro na ligtas kami sa masamang epekto ng langis.  Sabi po nila, pagnaka-inom ka ng gas, inuman ng alak at mawawala din yan,” ani Quianio.

‘Writ of Kalikasan’ pinuri ni Cayetano

Ang “Writ” ay isang espesipikong kautusan ng Korte bago ang final decision– na pumipigil o nagbabawal sa isang aktibidad dili kaya’y isang lehitimong atas na dapat isagawa ang isang aksiyon tulad sa Writ of Habeas Corpus,  Writ of Amparo at Writ of Kalikasan na nag-uutos na itigil ang operasyon ng oil pipeline.
Pinuri ni Sen. Pia  S. Cayetano ang paglalabas ng Korte Suprema ng kauna-nahang “Writ of Kalikasan” kakambal ang isang temporary environmental protection order (Tepo) upang maiwasan ang panganib na dulot ng tumagas na oil pipeline sa Makati City.

Sinabi ni  Cayetano, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang markadong desisyon ito ay nagpapahiwatig na nakahanda ang Korte Suprema na umaksyon gamit ang batas sa mga isyung may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran.

“I laud the Supreme Court for ordering the indefinite shutdown of the 177-kilometer pipeline of the FPIC following the massive underground oil leak it caused in Brgy. Bangkal, Makati,” pagdidiin ni Cayetano.

“By taking affirmative action on the ‘Writ of Kalikasan’ petition of West Tower  residents, the high court correctly upheld concerns for environmental protection and public safety over industrial profit and warnings of an extreme gas shortage  in Metro Manila.”

Nilinaw ni Cayetano na ang isyu sa oil leak ay magtutulak upang irebyu ang urban and zoning schemes na ipinatutupad ng mga local government unit sa Metro Manila at karatig lalawigan upang mapaghandaan ang krisis o katulad na trahedya sa hinaharap.

“The incident highlights the urgency to review the urban planning and zoning schemes of local government units and integrating these with the plans of neighboring provinces. This will ensure a sustainable balance between industrial and commercial development with protecting the environment and the safety of residents in mega cities like Metro Manila.”

“Concerned agencies must also devise alternative plans together with the private sector to ensure the unhampered supply of gasoline products in the metropolis with the suspension of the pipeline’s operation and the prospect of it being shut down permanently over health and safety issues,” mahabang pahayag ni Cayetano. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply