Remate, Hataw wagi sa opening ng Basketball Tourney

Naging matagumpay ang idinaos na opening program at game ng Remate/Ahon Foundation Basketball Tournament na ginanap kahapon sa Golden Panda Dorm sa E. Rodriquez cor. Banaue, Quezon City.

Sa unang sigwada ng laro, nagwagi ang Remate Team kontra sa Springmaid-Philtrust Bank sa iskor na 73-58.

Naging habulan lang ang laban sa una subalit ng umabot sa 4th quarter ay nagpakita na ng lakas ang Remate Team kaya inilampaso na ang mahusay na team ng Springmaid-Philtrust Bank.

Mahuhusay sana ang ipinakitang laro ng Philtrust subalit sa huli ay kinapos sila sa laban.

Nagpasalamat ang Remate Team dahil sa napakagandang uniform na ibinigay ng PLAYER’S MOVE, patahian ng world class  basketball uniform,  na pag-aari ni  Mr. Rey Bautista na matatagpuan sa Binang 2nd, Bocaue, Bulacan.

Sa ikalawang laro, hinambalos ang Hataw, Ang Dyario ng Bayan Team ang Airforce One, 71-65.

Naging mahigpitan ang laban ng dalawa at hindi pinalamang ng Hataw ang Airforce One sa 1st hanggang 3rd quarter. Sa 4th quarter ay lumamang pa ang Airforce One, 62-65, subalit agad rin itong binawi ng Hataw matapos kumana ng ilang sunod na shoot at free throws.

Parehong nalagay sa penalty ang dalawang team at naging medyo physical ang laro subalit wala namang napikon.

Sa huli ipinakita ng Hataw Team na isa sila sa team na dapat bantayan ng mga kalabang team dahil sa kanilang mahuhusay na players.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply