Rep.Bello kinastigo ng mga OFW sa Taiwan

TAIWAN –Kinastigo ng grupong Migrante Taiwan si Akbayan Party-list Rep. Walden Bello sa panawagan nito na hayaan munang ipatupad ang nasabing mandatory “force insurance” na nagkakahalagang P6,500.00 para sa mga OFW.

Ayon sa grupo, naniniwala sila na ang mandatory insurance na ito ay panibagong “pangongotong” sa  mga migranteng Pilipino. Anila, dagdag pahirap ito sa mga OFWs.

Paliwanag ni Dave Chang, chairman  ng Migrante Taiwan: Aabot sa  NT$11,844 kada buwan ang bayarin ng OFW kapag isinama ang medical and labor insurance fees .

1. Brokers’ service fees – NT$1666
2. Airfare – NT$222 – 333
3. Alien Residence Certificate – NT$83
4. Medical Check-ups – NT$222
5. Income Tax – NT$950(6%) but if enter Taiwan from July 2-Dec 31 need to pay 20%
6. Placement Fee – NT$1806 – NT$2778
7. Board and Lodging Fees (for non domestic workers) – NT$5,000

Dagdag ni Chang: “If you add the insurance as required by Republic Act (RA) No. 10022, this would grow to NT$12,026 a month. The minimum wage in Taiwan is NT$17,280 and the OFW is left with only NT$5,436 in monthly earnings.”
Malinaw na  panibagong “pangongotong” sa aming mga migranteng Pilipino ang mandatory insurance na ito , sabi ni Chang.

Sa kalakaran sa Pilipinas  at sa Taiwan ang dagdag pangongotong na ito ay kami(migrante) ang syang pinagbabayad ng broker at agency sa Pinas, sabi ni Chang.

Nanawagan kamakailan si Bello , pinuno ng House committee on overseas Filipino,  na hayaang ipatupad muna ang nasabing mandatory “force insurance”  kasunod ng mga ulat na nabawasan ang demand sa mga migranteng manggagawa makaraan itong ipatupad noong Nobyembre 8.

Sa panayam kamakailan, sinabi ni Bello na masyado pang maaga na ibato ang sisi sa naturang batas sa pagbaba ng demand sa mga OFW ng hanggang 52 porsiyento.

“It is too early to extrapolate from the trends. Let’s give it a few months before jumping to conclusions,” pahayag ni Bello.

Anila, umaalma din  ang mga  local recruiter. Kinukuwestiyon  ng mga bansa na nagkakaloob na ng insurance sa mga kinukuha nilang dayuhang manggagawa – tulad ng Hong Kong, Taiwan, at mga bansa sa Middle East, ang bagong batas para sa compulsory insurance.

Bagaman nangako si Bello na kikilos sila para amyendahan ang batas kapag napatunayan na ito ang dahilan kaya nabawasan ang demand sa mga OFW, gayunpaman, nanawagan ang grupo na magsagawa ng mabilisang pagrepaso sa mga bayarin na nagpapahirap sa migranteng Pilipino.

“Inaasahan namin na bilang kongresista, dadalhin mo ang interes ng mga migranteng Pilipino at hindi ang interes ng insurance company.Alam naming na malaking halaga ang involved sa insurance na ito. Kung pagbabasehan lamang natin ang minimum na umaalis ay 3,500 migrante sa loob ng isang araw na magbayad ng P6,500.00. ito ay tumataginting na P22,750,000.00 bawat araw,” ayon sa grupo.

Nakasaad sa batas na hindi makakakuha ng employment certificate sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang OFW na nilalakad ng recruiter kung wala pa itong certificate of insurance coverage.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply