Repair sa gas leak sa West Tower dispalinghado

MALAMANG na tumagal pa ng mahigit isang linggo ang pagkukumpuni sa tumagas na pipeline ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) na pinagmumulan ng  petroleum leak sa West Tower Condominium, Bangkal, Makati City.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na matatagalan ang paghuhukay sa naturang lugar bagama’t humingi na silang sabayan na lamang ng paglalatag ng bagong tubo ang paghahanap ng pinagmumulan ng tagas.

Pinag-aaralan na rin  nilang magbukas ng outlet sa valve sa bahagi ng Nichols Street upang hindi na mag-trucking mula Batangas.

Nakausap na rin niya ang mga kumpanya ng langis at tiniyak na nagsisimula na silang mag-imbak ng langis para sa Metro Manila.

Inihayag ni Almendras na nag-review na sila ng imbentaryo ng mga kumpanya ng langis at mayroon pa namang sapat na suplay para sa mga susunod na araw. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply