Residente sa Sampaloc, ginising ng pagsabog

ISANG malakas na pagsabog ang gumising sa mga residente ng Sampaloc, Manila, madaling araw ng Sabado.

Ayon sa report ng DzBB, naganap ang pagsabog 4:00 a.m. sa kanto ng Blumentritt at Sobriedad Street malapit sa Trinity Church.

Nabasag ang salamin ng mga bintana ng mga residente sa naturang lugar. Hinihinalang isang hindi pa nakikilalang lalaking bumaba sa tricycle  ang may kagagawan ng pagsabog.

“Yung tricycle driver bumalik, may sakay na tao sa kanto. … Duda siya ang taong iyon ang suspect, walang ibang tao na sakay niya sa kanto kundi yung lalaki,” dagdag ng isang residente roon.

Matatandaang natagpuan din ang isang granada sa may gate ng isang bahay sa Lungsod ng Quezon kahapon.

Ayon sa rumespondeng  police bomb squad, hindi pumutok ang naturang granada dahil sa kalumaan nito. Tanggal na ang pin kung saan handa na itong sumabog.

Agad namang nakita ng nagpapatrolya sa naturang lugar ang granada kung kaya ipinagbigay ito sa kinauukulan.

Ayon kay Benjamin Balmaceda, isa sa nagpapatrolya, inakala nilang laruan lamang ito.

“Akala ko laruan, nilapitan ko,” ayon kay Balmaceda.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply