Sunog malapit sa Malakanyang, isa sugatan, 10 pamilya nawalan ng tirahan

NAWALAN ng tirahan ang may 10 pamilya habang sugatan  ang isang volunteer firefighter sa naganap na  sunog sa residential area ng San Miguel District,  malapit sa Malacañang, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa inisyal na report ng Radio dzBB’s, nakilala ang nasugatang firefighter na si Lorenzo Guillermo, 22.

Sinabi ni Chief Inspector Bonifacio Carta ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog sa tahanan ni Rose Yumang bandang 3:40 ng madaling-araw.

Base sa report, naapula ang sunog bandang 4:24am na umabot ng third alarm. Mabilis na natupok ang mga kabahayan sa naturang lugar dahil karamihan sa mga ito ay gawa sa mga light materials.

Dagdag pa ni Carta, patuloy pa rin silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman ang tunay na sanhi ng naturang sunog na malapit sa St. Jude School sa San Miguel district sa Malacañang.

Ayon sa radio report, nabatid na mula pa noong eleksyon ay wala ng kuryente ang naturang lugar kung kaya’t kandila na lamang ang ginagamit ng mga residente.

Nagkansela rin ng klase ang St. Jude School dahil maraming napinsalang kagamitan kung saan nagamit ng mga bumbero ang naturang eskuwelahan upang mapabilis na maapula ang apoy.

Ayon naman sa report ng dwIZ, tinatayang halagang 1 milyon ang sinirang pag-aari ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply