RH bill tanggap ng mayorya

PATULOY na lumiliit ang bilang ng mga Pilipinong tutol sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ito ang paliwanag ni House Minority Leader Edcel Lagman, isa sa mga may-akda ng RH bill, matapos lumabas ang panibagong resulta ng survey ng Pulse Asia.

Ayon sa survey, 69 porsiyento na ng mga Pinoy ang pabor na maipasa ang panukala na pilit na hinaharang ng Simbahang Katoliko.

Sa pagtaas ng bilang ng sumusuporta sa RH bill, lumiit naman ang tutol mula sa dating 8 porsiyento ay 7 porsiyento na lamang nitong huling survey na isinagawa noong Oktubre 2010.

Giit pa ni Lagman, nagsalita na ang taumbayan sa pagsasabing hindi lamang hangad ng mga Pinoy ang maipasa ang kontrobersyal na panukala kundi 79 porsiyento ay kumikilala sa karapatan ng kababaihan at ng mag-asawa na magdesisyon sa tamang pagpaplano ng pamilya, kabilang ang paggamit ng contraceptive o sa natural na pamamaraan.

Samantala, sinabi ni Davao Rep. Karlo Nograles na ang mga sumusuporta sa RH bill ay hindi gaanong nauunawaan ang lahat ng probisyon nito. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply