RH, FOI bills isusumite kay PNoy bilang priority bills

ISUSUMITE ni House Speaker Feliciano Belmonte kay Pangulong Benigno Aquino III ang Reproductive Health at Freedom of Information bills bilang mga prayoridad na panukala ng Kamara.

Inaasahan ni Belmonte na masasama ito sa agenda ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na ipapa-convene ni Aquino upang talakayin ang mga legislative agenda ng gobyerno.

“The moment we convene (LEDAC), we will give the list of bills that are important, kasama ang dalawa (RH and FOI bills),” ayon kay Belmonte sa isang press conference nitong Huwebes.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagsuporta si Belmonte sa panukala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na magsagawa ng survey ang Catholic Church upang matiyak kung mayorya ng mga Pilipino ay pabor sa RH Bill.

Samantala, malaki ang tiwala ni Navotas Rep. Josephine Lacson-Noel, acting chairperson ng Committee on Women, na maipapasa ngayong 15th Congress ang RH Bill.

Sa isang panayam, sinabi ni Noel “na kung may tutol ay dumarami naman ang mga kongresista na sumusuporta sa RH Bill.”

Aniya, lumaki ang tsansa na maisulong hanggang sa plenaryo ang kontrobersyal na panukala matapos ipahayag ni Pope Benedict XVI na maaaring gamitin ng mga Katoliko ang kondom sa pagsugpo sa sakit na AIDS. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply